Anak ng teteng! Madaling araw na tirik pa rin ang mga mata ko. Ito problema sa akin eh. Pag gusto ko matulog hindi ako makatulog. Pag may gagawin naman ako saka ako aantukin. Pakshit talaga, baliktad. Insomnia at Hypersomnia na wala sa lugar. Pero curious lang ako, ano nga ba ang mga lintik na to?
Insomnia
Ito ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapang makatulog. Marami ang sanhi ng ganitong kalagayan. Ilan dito ay kapag overactive daw ang thyroid gland (ang endocrine gland sa ating leeg na naglalabas ng hormones na responsable sa ating metabolismo at paglaki). Sanhi din nito ang pananakit ng katawan. Maari din maging sanhi ang paginom ng mga psychoactive drugs o stimulants, gaya ng kape at mga energy drinks, sa pagkakaroon ng insomnia. Ngunit sa paniniwala ng mga eksperto, kadalasan ay psychological ang sanhi ng insomnia. Ilang halimbawa ng psychological na sanhi ng insomnia ay takot, stress, anxiety, emotional and mental tension, problema sa trabaho at problemang pinansyal.
Maraming alternatibo ang pwedeng subukan upang malunasan ang ganitong kalagayan. Maaaring sumubok ng hypnotic medications. Pwede ring uminom ng mga sleeping tablets at iba pang sedatives. Pwede rin magpaantok sa pamamagitan ng paginom ng mga alcoholic na inumin kagaya ng beer at gin. Basta ang importante nasa gabay ng mga eksperto ang alternatibong pipiliin upang masiguro ang epektibong paggaling at sariling kaligtasan.
Hypersomnia
Ito naman ang kondisyon pag ang isang tao ay sobrang antukin. Ito ay iba sa antok na dulot ng wala o kulang sa tulog. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay nakakaranas ng madalas at paulit-ulit na excessive daytime sleepiness o EDS. Katulad ng insomnia, marami din ang sanhi ng hypersomnia. Pwedeng maging sanhi ang pagtratrabaho ng matagal at paiba-iba ang shift ng schedule. Pwede rin dahil sa paginom ng mga tranquilizers at sleeping pills. Maaari din namang sanhi ng mga medical condition tulad ng hypothyroidism (mababang produksyon ng thyroid hormones), hypercalcemia (sobrang dami ng calcium sa dugo) at hyponatremia (mababang lebel ng sodium sa dugo). At maari ding dahil sa ilang sleeping disorders tulad ng sleep apnea (pagtigil ng paghinga habang natutulog) at narcolepsy (kondisyon kung saan sobra-sobra at hindi na makontrol ang pagtulog).
Ang lunas sa ganitong kondisyon ay nakadepende sa kung anu ang sanhi. Kadalasan, ang mga nakakaranas ng hypersomnia ay pinapainom ng mga stimulants. Dapat ding iwasan ang paginom ng alkohol kasi nakakaantok ito, inaantok ka na nga magpapaantok ka pa. At tulad ng ibang medikasyon, kailangang nasa gabay ng mga eksperto ang alternatibong pipiliin.
Anak ng tipaklong, alas kwatro trenta na hindi pa rin ako dinanapuan ng antok. Kung anu-ano na nasulat ko gising pa rin. Makabili nga ng sleeping pills. Ay h’wag, baka sumobra naman ang tulog ko. Inom na lang kaya. Oo nga, happy red horse na lang. Adios! Kampay!heheheheh. . . . . . .

0 comments:
Post a Comment