April 5, 2010

Electronic Cigarette

Ang Electronic Cigarette, tinatawag ding E-Cigarette o Personal Vaporizer, ay isang battery-powered smoking device. Di gaya ng tradisyunal na sigarilyo, ito daw ay hindi gumagamit ng apoy. At dahil hindi ito gumagamit ng apoy, hindi din ito nagbubuga ng mabahong usok at hindi nagiiwan ng abo.Wala din daw itong tabako, tar, carbon monoxide at iba pang nakalalasong kemikal na matatagpuan sa tradisyunal na sigarilyo.





A. LED Light Cover
B. Battery
C. Atomizer
D. Cartridge




May apat na bahagi ang Electronic Cigarette:

1. Mouthpiece o Cartridge
Ito yung pinaka-filter ng E-Cigarette. Sa loob nito nakalagay ang nicotine solution na mas kilala sa tawag na e-liquid o e-juice. Ang nicotine solution ay binubuo ng nicotine na tinunaw sa flavoring solution kagaya ng propylene glycol (PG) at glycerin (glycerol) pawang mga food additives.

2. Heating Element o Atomizer
Ito ang nagsisilbing vaporizer ng nicotine solution upang makagawa ng usok.

3. Battery
Ito ang pinanggagalingan ng enerhiyang ginagamit ng E-Cigarette.


4. LED Light Cover
Ito ang light device na nagbibigay hudyat na gumagana o umaandar ang E-Cigarette.


Ano naman ang bentaha ng Electronic Cigarette?

1. Eco-Friendly
Dahil nga wala itong mga nakakalasong kemikal, walang upos, walang abo at walang mapanganib na usok ito ay itinuturing na green product na tumutulong panatilihing dalisay ang ating kapaligiran.

2. Non-Flamable
At dahil hindi rin ito gumagamit ng apoy, walang dapat ikabahala ang Bureau of Fire Protection (BFP). Ngunit pinaaalalahanan ang mga gumagamit nito na maaring sumabog ang battery nito kapag nasilaban.

3. Smoke Anywhere
Ayon sa mga manufacturer ng E-Cigarette, ang vapor na inilalabas ng device na ito ay hindi mapanganib at maaring gamitin sa halos lahat ng lugar, maging sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng tradisyunal na sigarilyo.

4. Cool Design
Ang desenyo ng E-Cigarette ay dumaan sa masinsinang pagsusuri upang tiyakin ang kagandahan ng itsura at kumportable at ligtas ang paggamit nito.

5. Rechargable
Maaaring irecharge ang baterry nito at gamitin ng paulit-ulit.


6. Cheaper
Bukod sa pwede itong gamitin ng paulit-ulit, hindi ka rin gagastos ng malaki sa pagpapagamot ng sakit sa baga o di kaya ay cancer, mga sakit na maaring makuha sa paggamit ng tradisyunal na sigarilyo.

7. Tar-Free Cigarette
Ang E-Cigarette ay walang tar na nakakasira ng ating ngipin at nakasasama sa ating kalusugan.

Anak ng tokwa naman pala eh. May ganito naman palang produkto eh. Ang tanong, bakit wala pang ganito sa merkado dito sa Pilipinas? At bakit kapos sa aksyon ang gobyerno sa paglinang ng ganitong uri ng mga produkto gayong milyun-milyong buhay ang pwedeng masagip nito? Ewan! Makapagyosi na nga lang.

0 comments: