April 4, 2010

Yosi Break




Ayon sa mga dalubhasa, ang bawat stick ng sigarilyo ay di umanoy nagtataglay ng mahigit 4, 000 na mga kemikal, karamihan dito ay nakapagdudulot ng sakit na Cancer.

"heeee, scary!"

Ilan sa mga kemikal na ito ay ang mga sumusunod:

Carbon Monoxide
Kung nakikinig ka sa chemistry teacher mo nung high-school, ito yung kemikal na ibinubuga ng tambutso ng mga sasakyan. Ang kemikal na ito daw ay mapanganib sa lahat ng bagay na may buhay. Kapag ito ay nalanghap ng tao, ito ay humahalo sa hemoglobin (muli, kung nakikinig ka sa chemistry teacher mo nung high-school, ito yung substance sa ating dugo na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan) sa ating dugo at pumipigil sa pagdaloy ng oxygen sa ating katawan na siyang nagdudulot ng suffocation.

Arsenic
Kung anu ito, hindi ko rin alam. Absent ata ako nung tinuro ito nung high-school o baka di ko lang narinig. Ang alam ko lang ginagamit ito sa paggawa ng mga salamin para tanggalin ang mga iron compounds dito. Hinahalo din ito sa Lead para patigasin ang salamin. Ginamit din ito ng mga sundalo noong World War bilang sangkap sa paggawa ng mga poison gases kagaya ng Lewisite at Adamsite. At di umano, ayon sa aking nabasa, ito din daw ay matatagpuan sa mga rat poisons.

Ammonia
Hindi ko rin alam kung anong klaseng kemikal ito. Pero ginagamit ito bilang refrigerant. Madalas din itong gamitin sa industriya ng mga kemikal bilang sangkap sa paggawa fertilizer, nitric acid, at mga pampasabog. Ang Ammonia ay ginagamit din sa paggawa ng window cleaner solutions na siyang paboritong inumin ng mga nagpapatiwakal.

Acetone
Alam ko na to, ito yung ginagamit pangtanggal ng nail polish di ba? Ginagamit din ito sa paggawa ng rayon at bilang gelatinizing agent (pampalapot) sa paggawa ng bomba. Ang Acetone ay siyang solvent sa rubber cement at mga cleaning fluids. Pwedeng alternative to para sa mga magpapatiwakal, mura pa!

Hydrogen Cyanide
Lubhang nakakalason daw ang kemikal na ito. Ang ilang milligrams ng kemikal na ito ay kayang kumitil ng buhay. Celebration na naman sa mga suicidal. Ginagamit ito sa paggawa ng plastik at mga cyanide compounds.

Naphthalene
Ito ang nagbibigay ng kakaibang amoy sa mothballs. Ang pangunahing gamit dito ay bilang antiseptic at insecticide. Ginagamit din ito sa paggawa ng plastik, dyes, solvents, at iba pang kemikal.

Sulphur Compounds
Ginagamit ito sa paggawa ng posporo, vulcanized rubber, dye, at gunpowder. Ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng mga skin ointments.

Lead
Ito ay ginagamit sa paggawa ng baterya at bilang pantakip ng mga electric cables at radioactive chemicals. Ginagamit din ito sa paggawa ng lining pipes, tanks at X-ray apparatus. Ang Lead ay isa sa mga pangunahing air pollutant kahanay ng carbon monoxide.

Alcohol
Madaming klase ang alkohol, pero sa di maipaliwanag na kadahilanan Red Horse ang unang pumasok sa kukote ko. Siguro kasi ito ang pinakatanyag na uri ng alkohol, yung alkohol na lumalason ng utak at tumutunaw ng atay. Kampay!

Formaldehyde
Formaldehyde, in short Formalin. Ginagamit bilang insecticide, disinfectant, fungicide at deodorant. Bukod sa pag prepreserve ng patay, ginagamit din itong pangmarinate ng calamares. Hmmmm sarap!

Butane
Sangkap sa paggawa ng LPG. Ginagamit din bilang fuel ng lighter at bilang propellant sa mga aerosol sprays. Ang paglanghap nito’y maaring magdulot ng euphoria, drowsiness, narcosis, suffocation, cardiac arrhythmia, at frostbite.

At ito ang mga lasong bumubusog sa atin tuwing humihithit tayo ng sigarilyo. Mga nakamamatay na kemikal na dumidemonyo sa ating katawan. Mga kemikal na sumisimbolo ng pang-aabuso. Pang-aabuso sa ating sarili, sa ating kapwa at sa ating kapaligiran.

A friendly reminder. . . . . . . . . . . . . . . . . . hehehehehehehehehehehehe

0 comments: