Ayon sa mga urban legend, sa bawat case ng red horse ay may isang bote kung saan nakangiti ang kabayo sa logo nito. Ayon pa sa mga sabi-sabi, ang laman ng boteng ito ay mas matapang at mas matamis daw kumpara sa iba. Ang tanong, totoo nga kaya ang chikang ito? Ang sagot? OO at HINDI. Oo dahil totoong may mga bote nga ng red horse na kung saan ang kabayo sa logo nito ay nakangiti. Hindi sapagkat dumadaan sa pare-parehong proseso ng paggawa ang laman ng bawat bote ng red horse at samakatwid ay pare-pareho din ang lasa at timpla ng laman ng mga ito. Ang paliwanag kung bakit may mga boteng naiiba ang logo, eh dahil noong 1992 ang Red Horse ay nagpalit ng kanilang logo. Ang life span ng mga bote ng red horse ay 20 years at sa mga taong ito nirerecycle at paulit-ulit na ginagamit ang mga boteng ito. Ang mga boteng mayroong logo ng nakangiting kabayo ay ang dating logo ng red horse na kanilang pinalitan ngunit patuloy na ginagamit sapagkat hindi pa nag-iexpire ang buhay ng mga boteng ito. Hehehe... Kampay!
April 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment